La Indolencia; Ang Katamaran
Ginawa by: Chrisanice Joanne Cabreros

Ano ba ang ibig sabihin ng katamaran?
Ito ba ay namamana? Tayo ba ay naapektuhan nito? Kapag Oo paano ba tayo
naapektuhan? Ang katamaran (kilala rin bilang indolence) ay kawalan ng nais sa
pagtrabaho at pagsusumikap sa kabila ng pagkaroon ng kakayahang kumilos. Ang
katamaran ay ang pag-iwas sa mga gawain o pagantala ng mga trabaho. Ito ang
dahilan kung bakit hindi natatapos o nahihinto ang isang gawain. Ang katamaran
ng mga Pilipino ay isang sakit, hindi ito namamana. Sa sanaysay ni Rizal na
"The Indolence of the Filipino People" isinalaysay niya na ang mga
Pilipino ay hindi naman talaga tamad, kundi likas na masisipag. Lumaganap
lamang ang katamaran ng mga Pilipino noong dumating ang mga kastila. Oo,
mayroong epekto ang pagiging tamad sa atin. Ang epekto ng pagiging tamad ay
hindi natin magagwa ang mga gawain na kailangan natin tapusin. Sa medaling
salita “ Ang katamaran ay humahantong sa pagpapaliban, pagpapaliban sa kawalan
ng paggalaw, hindi pag-kilos ay humahantong sa walang resulta at walang
tagumpay.”

Halos naman talaga
lahat nang tao ay tamad. "Hindi naman talaga matamad ang mga Pilipino tayo ay
masipag". Sa libro na isunulat ni Jose Rizal na “Sobre la indolencia de los
Filipinos”, inamin niya ang pagkakaroon ng katamaran sa mga Pilipino, ngunit
maaring maiugnay ito sa maraming mga kadahilan, katulad ng klima at mga
karamdaman sa lipunan. Samakatuwid ang katamaran ay mas malalim na nag-ugat ng mga sanhi tulad ng pang-aabuso at diskriminasyon, kawalan ng aksyon ng gobyerno, laganap na katiwalian at red tape, maling mga doktrina ng simbahan at maling halimbawa mula sa ilang mga Espanyol na namumuhay sa katamaran na humantong sa pagkasira ng mga halaga ng mga Pilipino. Dito sa Pilipinas mayroon talagang tao na tamad kagaya
ng mga mag-aaral ang kadalasang problema nila ay ang pag-gawa at pag-pasa ng
kanilang takadang aralin o projects ng “late”. Ang kadalasang problema naman sa
mga matatanda na mayroong trabaho ay minsan wala silang gana mag-trabaho kaya hindi natatapos ang kanilang tinatrabaho. Habang ang ibang tao naman
ay patuloy gumagamit ng kanilang mga telepono, kaya wala silang nagagawa buong
araw. Mga halimbawa ng katamaran ng mga Pilipino ay ang pag tambay lamang sa labas at lagi nalang mag-inuman sa umaga at sa gabi. Mayroong maraming dahilan kung bakit tamad ang mga pilipino isa sa ito ay dahil sa impluwensya, at dahil sa paggambala.
Bilang isang kabataan masasabi ko talaga na maraming mga katulad ko na bata na iniidolo ang katamaran, kaya bago natin malutas ang isyu kailangan muna natin ihinto ang pag-idolo sa katamaran. Bilang isang kabataan
pwede tayo tumulong sa pamamagitan ng pagtigil sa pag-procrastinate. Pagdating sa pagganyak sa isang tamad na tao, unawain muna sila. Alamin kung ano ang nangyayari sa kanila. Kung nais mong mag-udyok sa isang tao at pigilan ang mga ito mula sa pagiging tamad, hindi mo dapat tawagan ang sinuman bilang tamad. Ang pagmamarka sa isang tao o pagtawag sa kanila na tamad ay ang pinakamasamang bagay na magagawa mo, sapagkat sila ay mawawalan lang ng lakas na loob at magreresulta ito sa isang character defect. Sa halip, alamin mo kung ano ang kanilang dinadamdam upang matulungan mo silan tukuyin kung ano ang kanilang mga layunin. Dapat ang
mga layunin ay mapamahalaan, kasi kapag ang ating mga layunin ay hindi makatotohanan,
hindi talaga natin ito kayang gawin. Dapat gumawa tayo ng plano para mayroon
tayong guide. Kilalanin natin ang ating
mga nagawa at maging “proud” tayo sa ating sarili para may gana tayo gumawa pa
ng ibang mga gawain. Sa wakas, kapag hindi mo talaga kaya tigilan ang iyong sarili sa pagiging tamad humingi ka ng tulong sa kahit kanino.
Comments
Post a Comment